Sabado, Abril 30, 2011

Hunks Over White Roses - Book 1- Part 2

Hunks Over White Roses – Book 1
by Wahed Hadjab (of BTCS)

Chapter II
            Medyo malayo na ang tinatakbo ng sinasakyan nilang kotse ni Munjal ngunit nananatili pa rin itong walang imik. Hindi niya alam kung paano bubuksan ang konbersasyon dahil nakakaramdam siya ng pagkahiya. Hindi man siya nagsalita ay minabuti na lamang niya na pagmasdan ang gwapong binatang nagmamaneho. Taliwas sa hitsura ni Ahmed, ang isang ito’y mukhang mabait at maginoo. Guwapo rin ito at talagang aminin man niya o hindi ay nakakaramdam siya ng kilig. My knight in shining armour? At napakabango ng binatang ito. Nanunuot sa kanyang ilong ang bango nitong nagpapakiliti ng sensasyon niya. Ang linis linis tingnan. Parang ang sarap amuy amuyin at halikan. Napangiti siya.
            “I know what you’re thinkin’. I’d stop it if I were you.” Mahinahon ngunit may tigas na sabi nito.
Napakislot siya sa narinig at nakaramdam ng pagkapahiya. Ibinaling niya ang paningin sa labas ng bintana. Suplado!  Sa isip isip niya. Hindi naman siya nainis sa sinabi nito pero pinili na lang niyang manahimik at baka magbago pa ang isip nito at ibalik siya sa kamay ni Ahmed.
            “Saan ka nakatira?” basag na tanong nito.
Lumingon siya at nagtama ang kanilang paningin. Muli, kinilig na naman siya dahil sa kakisigan nito. Naputol lang iyon nang tumikhim ito nang may kalakasan upang bumalik siya sa wisyo. Sianbi niya kung saan siya nakatira at hindi na muling nagsalita pa. Hinintay na lamang niyang makarating sa paroroonan niya. Subalit hiniling din niya na bumagal ang oras para makasama pa niya nang mas matagal pa sa loob ng kotse.
            “Ah – eh, salamat sa paghatid mo sa’kin.” Aniya nang ihinto nito ang kotse sa tapat mismo ng bahay niya.
Nilingon lang siya nito at muli, blangko ang ekspresyon ng mukha nito. Malamig pa sa yelo ang paraan ng pag tingin nito sa kanya kaya nakaramdam siya ng pagkailang. Minabuti na niyang magpaalam at bumaba na ng sasakyan.
            “Bababa na ko… errrr, maraming salamat uli.” Pilit niyang ngiti at saka binirhan ng baba ng kotse.
Nanginginig ang tuhod niyang tinungo ang gate. Aktong binubuksan niya ito nang marinig niya ang pagbukas at pagasara uli ng pinto ng kotse kaya di niya napigilan ang paglingon.Si Munjal, bumaba ito ng sasakyan at sa tingin niya’y lalapit sa kanya. Kinakabahan ma’y minabuti niyang magtanong.
            “May kailangan ka ba?”
Kumunot ng bahagya ang noo nito bago siya sinagot ng isa ring tanong.
            “Is that your way of entertaining your guest? Won’t you even invite me in?” malamig na tanong.
            “Oh, s-sorry. Come in.”
Nang makapasok sila sa loob ng bahay ay tila sumikip ang salas para sa kanilang dalawa. He’s 5’8” but Munjal might be 6’ high at malaking lalaki rin like Ahmed. Ibinaba niya ang bag at hinarap ito.
            “Would you like to have some coffee…. or juice—“
            “Water.” Ang matipid na sagot nito.
Dali dali siyang pumunta sa kusina at kumuha sa ref ng malamig na tubig. Pagbalik niya sa sala ay nakita niya si Munjal na masusing sinisipat ang kabuuan ng kanyang bahay. Well, wala naman siya dapat ikahiya dahil kahit maliit ang tinutuluyan niya ay malinis naman at maayos. Nilingon siya nito nang maramdaman ang kanyang presensya. Napalunok siyang lumapit dito at iniabot ang malamig na tubig.
            “Thanks.” Anito nang maubos ang isang basong tubig.
Nabaghan siya nang bumira ito ng talikod at akmang lalabas na ng bahay. Mabilis niyang inilapag ang baso at hinabol ito.
            “Wait…” pigil niya sa braso nito. “Aalis ka na agad? Baka gusto mo munang kumain – ipagluluto kita kung gusto mo.” Alok niya sa bumbay.
            “Thank you but no. I still have to go back to school and talk to your professors.” Anito.
            “H-ha?”
            “I’ll give them your excuse for your absence sa unang araw ng klase.”
            “Paano kung magalit sila at di pumayag?” nag aalalang tanong niya. Sa totoo lang ngayo lang sumaging muli sa kanya ang alalahaning iyon.
            “Then they are fired.” Maigsing tugon mula rito.
Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Gaano ba kakapangyarihan ang mga ito at pati ang mga members ng school faculty ay kayang pasunurin.
            “Magagawa mo ang gano’n?” baghang tanong niya.
            “It’s nothing compared to what I am really capable of doing.” Diretsong nakatigin sa kanya ang mga mata habang nagsasalita.
Napalunok siya sa narinig. So this hunk is as dangerous as Ahmed. Sa isip isip niya na para namang nahulaan nito ang tumatakbo sa isipan niya.
            “Don’t worry. Im lesser evil compared to Ahmed.”
Pagkatapos banggitin ang mga salitang iyon ay hindi na niya ito napigilan sa pagmartsa papalabas ng bahay niya. Hindi siya nakahuma. Nagtaka pa siya nang nasa pinto ito ay bigla na lamang huminto at inilinga ang ulo ngunit hindi tumitingin sa kanya. Pagkuwa’y nagsalita….
            “Try not to get much of yourself involved with Ahmed. He’s crazy. At hindi sa lahat ng pagkakataon kaya kitang iiwas at ipagtanggol sa kanya.”
Matagal nang nakaalis si Munjal ngunit para pa rin siyang wala sa sarili. Ang nagpapagulo ng isip niya ay si Ahmed dahil napakalakas ng hatak ng atraksyon sa kanya at sa wari niya’y kayang kaya siyang pasunurin sa kung anuman ang gusto nito. At si Munjal, na feeling niya ay protective sa kanya…. Na handa siyang alagaan at protektahan kahit kanino. Maginoo, tahimik, mapanganib ngunit may puso. Unlike Ahmed, na nananakit ng kapwa kahit mababaw ang dahilan. Napangiti siya ng lihim. Pakiramdam niya’y isa siyang babae…. Isang prinsesa na may mahabang buhok na pinag aagawan ng dalawang prinsipe….
Samantala….
            “Fuck!” mura ni Ahmed nang paglingon niya’y wala na ang kanyang bihag na si Red. Where did he go?  Asik niya sa isip habang mabilis na kumikilos at nililinga linga ang paligid kung saan ito pwede pumunta. Dammit! Natakasan siya nito. Kumuyom ang isa niyang kamao sa labis na pagkagalit. Naisahan siya ng bagong saltang iyon. Parang siya pa ang nabitin sa ginawa nila kanina. Ang plano niya ay painitin ito at paaminin na isang bakla at pagkatapos ay iwan at pamukhain tanga. But to his madness, the tables are immediately turned. SIya ang pawang nagmukhang tanga dahil nag iisa na lamang siya doon. You’ii pay for this, you little fag! Bulong niya sa sarili habang umiinit lalo ang bait na humahakbang paalis ng lugar na iyon. Ngunit dagling napakunot ang noo niya nang may maamoy. Napahinga siya nang mamalim nang mapagtanto kung ano ang amoy na bumabalot ngayon sa paligid. Ang pabango ni Munjal. Could it be? Naghihimagsik na bumaba ito ng gusali habang naglalaro sa isip na si Munjal ang may kagagawan ng medaling pagkawala ni Red. Binunot niya ang celphone sa bulsa.
            “TJ. Kasama nyo ba si Munjal?” mainit na ulong tanong  nito sa kausap.
            “Nope. Hindi siya sumama sa’min ni Jaime. Hindi ko nga alam kung – “
Hindi na niya pinagkaabalahan pang pakinggan ang sumunod pang sinabi nito dahil pinutol na niya ang linya. He immediately dialed Munjal’s number. Out of coverage. Shit! Don’t dare mess up with me Munjal. You’ll be sorry!  Banta nito sa isip isip niya.

SINO NGA BA SI RED?
            Siya ay pangatlo sa apat na magkakapatid at nag iisang lalaki. Hindi man lumaki sa karangyaan ay nasanay sa pagkalinga at pagmamahal ng kanyang pamilya. Palibhasa nag iisang lalaki ay binibigay ng mga ito ang mga naisin niya. Siya naman in return ay ganoon din sa kanyang pamilya. ANg nagiging sukli niya sa mga bagay na ibinibigay o regalo sa kanya ng kanyang mga mahal sa buhay ay ang kanyang paging masunurin  at mabait na anak at kapatid. Isa pa’y nag aaral siyang mabuti upang maipakita sa mga ito lalo na sa mga magulang niya na hindi masasayang ang mga pera at pagmamahal na ibinubuhos nila sa kanya. Lahat ay kanyang nasasabi sa mga ito at wala siyang inililihim maliban sa isang bagay. Isa siyang Silahis. Oo, nagkaka girlfriend siya pero may mga pagkakataon na hindi niya kayang pigilan ang sarili niya na humanga at minsan ay magnasa sa kapwa niya lalaki. Matagal na niyang alam ang knayang pagkatao ngunit in denial pa rin siya sa kanyang sarili. Matagal na niyang kinukumbinsi ang sarili niyang isa siyang tunay na lalaki ngunit kusang marunong lumaban ang palalong puso at traydor na katawan. Buti na lang at mas malakas ang isip niya at palging ito ang nagingibabaw kapag dumadating sa point na gusto na niyang bumigay. Kaya hanggang sa umabot siya sa edad na 19, wala pa siyang experience ng sex sa kapwa lalaki. Hindi sa pagmamayabang ay guwapo siya. Kaya maraming dalaga at bakla ang nagpapapansin sa kanya. Maputi siya sa karaniwang lalaki, makinis at maganda ang hubog ng katawan. Wala man siya nang sinasabing 6 pack ay wala naman siyang taba , impis ang tiyan at definitely proportioned ang katawan niya. Ang kanyang pangunahing atraksyon ay ang kanyang mga nipples. Palibhasa’y mapusyaw ang balat ay mamula mula ito at may pagka maumbok ang kanyang dibdib. Kaya pag naka hubad siya pantaas ay hindi pwedeng hindi mapansin ang kanyang kakisigan. Mapababae man o bading.
Ikalawang araw ng pasok sa eskwelahan.
1:30 pm. Pagpasok pa lamang niya ay napansin niyang para siyang pinagpipiyestahan ng mga estudyanteng lalaki na naroon sa loob ng school. (Isa itong all guys technological college). Hindi man siya nito kinakausap ngunit ramdam niya ang mata ng mga ito na kamasid sa kanya. Marami ang nakikita niyang na nagbubulungan pa nga. Para siyang instant celebrity. Dala marahil sa nangyari kahapon. Para tuloy siyang nappahiyang napayuko na lamang na lumalakad patungo sa kinaroroonan ng kanyang locker. Tila kay haba haba ng kanyang nilakad patungo dito at para siyang hapung hapo nang marating ang destinasyon. Nakaramdam siya ng bigat ng sitwasyon. Naiisip niyang sana’y din a lamang siya lumipat ng school disin sana’y wala siyang nararanasang ganito ngayon.  Kumbakit pa kasi sa dinami dami ng eskuwelahan ay ditto pa siya dinala ng mga paa. Hindi naman niya alam na ang school na ito ay pinamumunuan pala ng mafia. Natawa pa siya ng bahagya sa huling katagang naisip. Sa isip isip niya’y para rin naming walang pinagkaiba ang mafia sa apat na lalaking kinatatakutan dito sa school. Ayon sa kanyang ginawang internet research kagabi ay ang apat na ito ang may ari ng all guys technological college na iyon. Sila rin ay kabilang sa listahan ng sampung pinakamayamang young bachelors sa buong bansa. Bukod sa ubod ng yaman ng mga ito na sandamakmak ang mga negosyo at kumpanyang hinahawakan, napakalawak ng impluwensiya kaya maging mga pulitiko ay kayang hawakan sa leeg. Likas na raw sa apat na ito ang manakit kapag may hindi nagugustuhan kaya hindi na siya nagtaka kung bakit tila hari ang tignin ng mga estudyanteng naririto. Ayon pa sa kanyang research ay lima ang dating miyembro nila. The group used to be called "The Fierce 5". The 5th member was Victor Rafal Samaniego. Bukod sa pangalan nito'y wala na siyang ibang alam tungkol dito. Wala rin itong picture na kasama ang grupo. Hindi rin niya nahanap ang mga sagot sa katanungan niya kung bakit ito biglang nawala sa grupo. Walang impormasyon.... samakatuwid, wala ni isa man ang nakakaalam. Among the members of the "The Fierce 4", Ahmed is the eldest at the age of 26, Tuck and Jaime are 25 and the youngest, Munjal is only 24. Tapos na lahat ng mga ito ng kani kaniyang kurso na pinasukan sa isang sikat na eskuwelahan sa Amerika.
Natigil ang pagmumuni muni niya nang pagdating niya sa kangyang locker ay may napansin siyang kakaiba rito. Mistulang yupi ang pinto at sira ang lock kaya hinuha niya niyang may nanloob sa kanya. Kumakabog ang dibdib na binuksan niya ang sariling locker. Tila nabunutan namna siya ng tinik nang mapansing wala naman nawala sa loob at halos wala naman ipinagbago. Maliban sa isang white rose na nakapatong sa notebook na iniwan niya dito kahapon bago umpisahang hnapin ang kanyang designated rooms. Napangiti siya at kinuha ang white rose saka inamoy. Ang bango! sambit niya sa isip niya. Sino naman kaya ang nagbigay sa kanya nito sa ikalwang araw ng kanyang buhay dito sa school. Eh wala pa naman siyang kakilala. Secret Admirer? napangiti siyang muli sa naisip. Could it be you, Munjal? ang kinikilig niya pang banat sa sarili.
            "White rose! Shit! He got a  white rose!" ang narinig niyang sigaw ng isa sa mga estudyanteng umusyosong sumunod sa kanya.
Bigla ang kanyang lingon at nagtaka pa siya nang mapansin na tila hindi mapakali ang mga estudyanteng nakapaligid ngayon sa kanya. Nagbubulungan din ang mga lalaking natatanaw niya sa may mga di kalayuan. Anong nangyayari? kinakabahang tanong niya sa sarili.
            "W-what's wrong?" inosente niyang tanong sa isang lalaking malapit sa kinatatayuan niya.
            "Shit! Anong what's wrong? "Di mo ba alam ang ibig sabihin niyan?" sabat ng isang estudyante.
            "A-anong --?" lito na siya sa nangyayari.
            "You're dead, man! You are dead!" nahihintakutang sabi ng isa pa.
            "You better start packing your things and leave!"
Why are they freakin' out because of a white rose? takang tanong niya sa sarili. White rose. Dagli ang paggapang nga panlalamig sa buo niyang katawan nang maalala ang isa pang topic na nabasa niya tungkol sa The Fierce 4. White rose ang natatanggap na palatandaan ng sinumang taong target ng mga ito. At kahit kailan sa history na kinasasangkutan ng apat na lalaking ito ay wala ni isa man lang ang nakaligtas o nakawala sa bangis ng galit nila. Kasabay ng panlalamig ay ang kilabot na lumukob sa buo niyang pagkatao.Nanghihina ang buong katawan na ibinalik niya ng wala sa sarili ang puting rosas sa loob ng kanyang locker. Nanginginig ang mga kamay na sinara ang locker kahit ito'y sira na. Hustong pagkasara nito'y nagkagulo ang mga nasa paligid. HIndi malaman kung ano ang gagawin o saan itatago ang sarili ng mga ito dahil sa sobrang pagkabagabag. Parang nahuhulaan niya ang mga nangyayari. At hindi siya nagkamali ng hinala. Sa di kalayuan ay tila slow motion sa paningin niya na naglalakad ang tatlong miyembro ng The Fierce 4. Nangunguna dito si Ahmed at nasa likod naman sina Tuck at Jaime. Nagtaka pa siya dahil wala si Munjal subalit sandali lamang ang pagtatakang iyon dahil wala sa isip niya ngayon ang kung anupaman kundi ang pagtakas.
He wanted to move pero di niya maihakbang ang mga biyas sa di malamang dahilan. Nagiibayo ang pangangatal ng kanyang kalamnan habang nakatitig sa paparating na panganib. Wala siyang ibang nagawa kundi ang panoorin na lamang ang bawat paghakbang ng mga ito papalapit sa kinaroroonan niya. napayuko siya't napapikit nang ilang hakbang na lamang ang layu nito sa kanya. Naghihintay na lamang siya ng kanyang hatol.
            "Stay here." sabi ni Ahmed sa dalawang alipores na nakasunod sa kanya.
At siya na lamang mag isa ang humakbang papalapit sa kinatatayuan ng nakayukong biktima. Hustong makalapit siya kay Red ay napuna niyang nag ibayo ang panginginig nito. At muli ay sumilay ang mala demonyong ngiti sa kanyang mga labi. Napakagat labi naman si Red nang maramdaman na nasa tabi na si Ahmed. Ramdam niya ang init ng singaw ng katawan nito na nagbabadya ng panganib at ang amoy nitong natural na amoy lalaki na nanunuot sa kanyang ilong. Napatalon siya sa takot nang binayo nito nang ubod lakas ang kanyang locker. Nayupi ito lalo ngunit wala na siya pakialam doon. Ang mahalaga sa kanya ngayon ay ang kanyang kaligtasan mula sa lalaking ito.Napilitan siyang magtaas ng paningin para lamang mapayuko uli dahil sa bagsik na nakkita niya sa mga mata nito.
            "Why did you leave me?" asik na tanong nito.
Hindi siya nakahuma at walang makuhang isagot sa tanong nito. Nanatili siyang nakayuko at tahimik na hindi malaman ang gagawin ng mga sandaling iyon. Halos lumipad ang natitira niyang lakas ng umangil ito ng ubod lakas.
            "Answer me! Dammit!"
            "I--I-- I had to...."
            "Fuck!" mura nito at kinuwelyuhan siya.
Namuo ang mga luha niya sa mga mata sanhi ng humilisasyon at pagkahabag sa sarili. Mistula siyang sisiw na dinagit ng malaking agila. Walang kawala... walang kalaban laban... walang pag asa.
            "Alam mo ba na wala ni isa man lang sa mga taong narito ang naglakas loob na gawin ang ginawa mo?" gigil na tanong nito habang inilalapit ang mukha sa kanya sa sobrang galit.
            "W-wala naman p-patutunguhan yung p-pag uusap na iyon k-kaya umalis na'ko....." mangiyak ngiyak na sambit niya.
            "What?!"
            "That conversation was pointless, kaya --"
Hindi na niya naituloy ang pangungusap dahil isinalya siya nito sa locker. Napapikit siya sa sakit na tumama sa kanyang likod ngunit di siya nakapagreklamo. Nakatingkayad pa rin siya sa sahig dahil hawak pa rin ni Ahmed ang kwelyo niya.
            "Now tell me, gusto mo bang gawin ko ngayon ang ginawa ko kahapon? Right in front of all of these idiots around huh?"
            "H-hindi--"
            "What if I insisted? I am capable of anything, you little fag!" asik nito sa kanya.
            "Maawa ka please...."
            "Maawa? Dapat ka talagang maawa sa sarili mo dahil hindi pa kita inuumpisahan."
            "Nakikiusap ako...."
            "Bakit mo'ko ginago kahapon?"
            "H-hindi n-naman ki--"
            "Weren't you aware that I was burning like hell at that moment then all of a sudden mawawala ka na lang na parang bula?"
            "But I just had to save myself...."
            "Really? Do you really think that I'm gonna buy that shit?"
            "W-what do you mean?"
            "You can't save yourself from me... not even from anybody.Somebody saved your ass yesterday, I knew it."
Hindi siya nakakibo sa sinabi nito. Ayaw niyang patotohanan ang sinabi nito dahil baka magkaroon lang ng di magandang samahan sina Ahmed at Munjal dahil lang sa kanya.
            "Now tell me, who's that superhero?"
            "Wala."
            "Tell me, you fuckin' faggot!" yamot na utos nito at inalog siya ng ilang ulit.
Malakas ang pagkakaalog nito sa kanya kaya napatama ng isang beses ang ulo niya sa bakal na kinasasandalan at nakaramdam siya ng pagkahilo. Ramdam na ramdam niya ang kawalan ng pag asang makawala sa galit nito.He could no longer hold back his tears at tuluyan na siyang napaluha.
            "Just get on with your punisment.... wala rin naman akong magagawa." ani Red sa pagitan ng kanyang tuluy tuloy na pagihkbi.
Napatitig si Ahmed sa kanya. Ayaw niyang aminin ngunit nakaramdam siya ng kakaibang damdamin sa nakikita niyang pag iyak ng kanyang biktima. Bakit ba 'pag nakikita niya itong lumuluha ay may matinding sumisipa sa dibdib niya? Bago sa kanya ang damdaming ipinakikilala nito sa kanya at iyon ang hindi matanggap ng kanyang pride. He wanted to comfort him.... ikulong sa mga bisig at patahanin sa pag iyak. Ngunit alam niyang hindi niya gagawin dahil sa kanyang nagtutumaas na ego. Binitawan niya ang kwelyo nito at saka malalim na huminga.
            "Go." bulong nito.
            "H-ha?" nagugulumihang tanong ni Red.
            "Just go. Dammit!" matigas na buolng ni Ahmed.
Sa narinig sa bibig ni Ahmed ay di na nagdalawang isip si Red. Nanginginig man ang mga biyas ay pinilit niyang humakbang papalayo. Hindi niya alam kung saan siya dinadala ng mga paa ngunit ang mahalaga lang sa kanya sa mga sandalaing iyon ay makalayo at makaalpas sa mapang aliping presensya nito. Sa kabilang banda naman ay naiwang natitigilan sina Jaime at Tuck. That was the very first time na may hinayaan si Ahmed na makatakas mula rito. Usually, ang mga taong may atraso dito ay hindi nakakaligtas sa bangis ng galit nito ngunit ngayo'y nagtataka sila na walang anu ano'y bigla na lamang nitong pinakawalan ang bihag. There must be something about that guy -- that newcomer.
Hindi pa man siya masyadong nakakalayo sa pinanggalingan (mga anim na silid ang pagitan) ay hindi namalayan ni Red na may makakasalubong siyang tao. May dala dala itong isang malaking balde ng tubig na nakapasan sa balikat at isang map (ito ang janitor ng eskuwelahan na iyon). Huli na para makaiwas. Palibhasa siya'y nakayuko at hilam pa rin ng luha ang mga mata, hindi na niya naiwasan ang mabangga dito.
            Blag!
Kitang kita ng lahat ang buong nangyari. Napahiyaw ang iba at ang iba nama'y mabilis na umusyoso papalapit sa pinangyarihan. Blanko ang ekspresyon ni Ahmed gayundin nina Tuck at Jaime sa nasaksihan.
            "Should we help him?" tanong ni Jaime.
            "Masama ang naging bagsak niya." dagdag ni Tuck.
            "No." mariing tanggi ni Ahmed. "He deserved it for --" naputol ang sunod na sasabihin niya nang mapuna niya ang taong papalapit ngayon sa kinaroroonan ni Red. Kumunot ang noo niya at nagtagis ang bagang. Nabaling din ang tingin ng dalawa pang kasama nito sa direksyon ng tinitinganan niya.
            "Munjal?" takang tanong ni Tuck.

Samantala'y hindi malaman ni Red kung paano tatayo dahil sa sobrang sakit ng katawan. Bumagsak siya sa sahig at bumuhos pa sa kanya ang laman na tubig ng balde sa buong katawan niya. Mabuti na lamang at malinis na tubig iyon. Sa naramdamang sakit ng katawan, pagkapahiya at habag sa sarili ay naging sunud sunod ang kanyang paghikbi. Umikot ang mata niya sa paligid. Wala ni isa ang gustong tumulong at umalalay bagkus puno ng pangungutya ang sumasalamin sa mga mata ng mga ito. Ang nag aalalang mukha ng janitor ang huli niyang nakita.
            "Pasensiya na iho, hindi na ko nakaiwas." anang janitor habang inaalalayan siya.
            "Ako na ho, Mang Gustin." ang maigsing pangungusap na narinig niya.
Pagbaling niya ng tingin ay nakita niya si Munjal, blanko ang ekspresyon nito habang lumalapit sa kanya. Hindi siya nakahuma nang walang anu ano'y kargahin siya nitong muli sa ikalawang pagkakataon. Mistula siyang bata na kinalong nito at inilayo mula sa mga usiserong tao na naroon.
            "Ayoko na hong mangyari ang ganito Mang Gustin." mahina ngunit mariing banta ni Munjal sa pobreng janitor.
            "Pasensya na po Sir --"
            "Wala siyang kasalanan." pagatatanggol ni Red sa matanda.
            "Tumahimik ka." kunot ang noong asik nito sa kanya.
Natameme siya sa narinig kaya minabuti na lamang niyang wag magsalita at isandal ang ulo sa dibdib nito. Dinig na dinig niya ang malakas na pagtibok niyon. Ipipkit na sana niya ang kanyang mga mata nang mapansin ang daang tinatahak nila. Makakasalubong nila ang grupo nina Ahmed. Para na naman slow motion ang sumunod na nangyari. Kitang kita niya ang pagkamangha sa mukha nina Tuck at Jaime at hindi rin nakaligtas sa mata niya ang mabalasik na anyo ni Ahmed. Alam niyang hindi nito gusto ang mga nangyayari. Tiningnan niya ang mukha ni Munjal. Blanko pa rin at parang walang anuman ang nangyayari. Hustong magkalapit sina Ahmed at Munjal nang biglang pigilan ng binatang Arabo ang braso ni Munjal.
            "What the hell you think you're doing?" asik na tanong nito.
Matalim ang tingin ni Ahmed kung kaya't napahigpit ang kapit ni Red sa harapan ng polo ni Munjal. Bumaling ang tingin sa kanya ni Munjal at parang nagsabing Don't worry, I'm here. Pagkatapos ay blanko pa rin ang ekspresyon na hinarap ang galit na si Ahmed.
            "I'm gonna take him home." maigsing sagot nito.
            "Playing the role of a Superhero, huh?"
            "Do I look like one?" mapang inis ang ngiting gumuhit sa labi ni Munjal.
            "Do you want a fight?" hamon na tanong ni Ahmed na tila pikon na.
            "Try me." maigsi ngunit may diing wika ni Munjal.
            "Don't you dare me." dumiin ang hawak ni Ahmed sa braso ni Munjal.
            "Tama na please...." ang humihikbing anas ni Red.
Sabay na bumaba ang mga paningin nina Ahmed at Munjal sa mukha ni Rednel. Lumamlam ang mga mata ni Munjal nang makitang di siya tumitigil ng paghikibi. Samantalang  tumiim ang bagang ni Ahmed sa nakitang mahinang pag iyak niya. Muli ay naramdaman niya ang pagsipa ng kung anong damdamin sa kaibuturan ng puso niya. Binitawan niya ang braso ni Munjal na naging dahilan ng pagtingin sa kanya ni Red. Nagtama ang kanilang mga mata. Muli ay nakaramdam ng tila pagkalunod si Red habang nakatingin sa mga mata nitong maiitim. Sadyang napakalakas ng sex appeal ng arabong ito... iyon ang tumanim sa isip niya. Dagli siyang nagbawi ng tingin. Walang salitang tumalikod si Ahmed at bumira ng lakad.
            "Let's go." ang matipid na sabi nito kina Tuck at Jaime.
Habang naglalakad ay hindi makapaniwala si Ahmed sa kanyang nararamadaman towards Red. Ang mga mata nito kanina ang tila nag utos sa kanya na bitawan si Munjal. Parang isang tingin lang nito sa kanya ay tumtiklop ang tapang niya. Hindi niya lubos maisip na ang isang katulad nito lang ang magpapalunok ng pride at ego niya. Why do I have this strange feeling that he has full control over me? tanong na sumibat sa isipan niya. Dammit!  Ayaw niyang malaman ang sagot sa sarili niya kaya binilisan niya lalo ang lakad.
Samantala, pinagpatuloy ni  Munjal ang paglakad habang kalong siya na tila walang nangyari. Si Red nama'y hindi pa rin makapagsalita sa bilis ng mga naganap. Hindi siya makapaniwala na sa ikalawang pagkakataon ay niligtas siya ni Munjal -- ang kanyang Superhero. Sa tumakbo sa isip ay hindi niya napigilan ang naramdamang kilig. Isinubsob pa niya lalo ang mukha sa dibdib nito. Feeling niya'y isa siyang baby na karga nito na handang protektahan kahit kanino. Ang bangu bango mo.... impit na daing ng isip niya.

            "Fix yourself." mahinang utos ni Munjal nang makapasok sila sa loob ng maliit niyang bahay.
Ngayon lang niya napansing basang basa pa rin pala siya. Madali siyang tumalima sa sinabi nito. Maliksi pa sa alas kuwatrong nagtungo ng banyo sa kanyang silid. Paglabas maligo ng mabilisan ay lumabas siya ng banyo at tinungo ang maliit na cabinet. Mainit ang panahon kaya shorts ang hinanap niya. Pinili niya ang isang shorts na yari sa pinutol na jeans at isang tight fitting sando. Nang maisuot ay masusi niyang sinuri ang sariling repleksyon sa salamin. Ang shorts na suot ay di man lang umabot sa tuhod niya at ang sandong suot ay humakab sa magandang porma ng kanyang upper body. Hindi siya maskulado pero maganda ang proportion ng katawan niya. Sinong makakapagsabi na isa siyang closet queen sa hitsura niya ngayon? Lalaking lalaki siya tingnan. Wow, Sexy! ang mayabang na papuri niya sa sarili. nagwisik pa siya ng kaunting pabango bago tuluyang lumabas. Kailangan niyang magpa charming! Let's see how you react pag nakita mo 'ko.
Paglabas niya ng silid ay natigilan siya dahil wala ang hugis ni Munjal sa loob ng bahay. Nakadama siya ng panlulumo sa iniisip na baka umalis na ito. Luminga siya sa paligid ngunit wala ito kaya lumabas siya ng bahay para hanapin ito. Lumuwag ang kanyang paghinga ng makitang nakaparada pa rin ang kotse nito sa harap ng bakuran niya. Nasaan kaya? takang tanong niya. Muntik na siyang napatalon siya nang may narining siyang tumikhim sa kanyang likuran. Paglingon niya'y si Munjal na nakatayo sa may pinto at amused na naka tingin sa kanya.
            "Nandiyan ka pala, kala ko umalis ka na eh.: ang naiilang na sabi niya.
            "I took the liberty of getting my self something to drink." anito at itinaas sa ere ang hawak na isang basong tubig.
Namula siya nang maalala na wala pa lang laman ang ref niya kundi tubig. Dyahe, nakakahiya! isip niya.
            "Pasensiya ka na, hindi pa kasi ako nakakapag grocery..." aniya habang nahihiyang pumasok sa loob ng bahay.
            "No worries." sagot nito at umupo sa pang isahang sofa.
            "Baka may gusto kang kainin--" naputol ang tanong niya nang paglingon niya ay nakita niyang nakatingin sa kanya si Munjal.
Pinasadahan nito ng tingin ang kabuuan niya at maya maya'y napangiti. Isa lang ang napagtanto niya, lalo itong kumisig sa paningin niya. Madalang itong ngumiti pero ngayon ay nasilayan niya ang ngiting iyon na ipinagdadamot nito sa iba. Marahil ay dahil sa kanyang hitsura ngayon kaya napangiti si Munjal. Iyon ang naglalaro sa isipan niya. O baka naman tinamaan ka na rin sa kin? ang kinikilig na bulong ng isip niya. Sa sumagi sa isipan ay nadagdagan ang kanyang tapang at bilib sa sarili. Tumayo si Munjal na hindi maalis ang ngiti sa mukha.habang nakamasid sa kanya. Tinaas ni Red ang noo at iniliyad pa ang dibdib na parang ipinangangaya ang nakabakat na nipples. Itotodo na niya ang pagpapa charming.
            "What do you think you're doin'?" naiiling na natatawang tanong ni Munjal.
            "Ang alin?" nag maang maangan siya.
            "You know what I'm talking about."
            "Hindi ako manghuhula." naiinis na sagot ni Red.
Nararamdaman kasi niyang pinagtatawanan siya nito sa di niya malamang dahilan. Nabawasan ang nararamdaman niyang yabang at nahalinhinan ng kaunting inis.
            "Is that your way of seducing someone huh?" hindi na napigilan ni Munjal ang mahinang pagtawa.
            "W-what?" tanong niya kahit buong buo niyang narinig ang sinabi nito.
            "Try to come up with something more effective." tukso nito sa kanya.
            "How conceited can you get? Hindi ako nagpapa charming sa 'yo." inis na sagot niya para pagtakpan ang pagkapahiya.
            "Really?"
            "Talaga." diing sagot niya.
            "Okay." naiiling na lang si Munjal.
            "Anyway, I have to go. May pupuntahan pa 'kong--" pagpapaalam nito na pinutol niya
            "Agad? Aalis ka agad?" tanong ni Red na hindi maitago ang pagmamaktol sa tinig.
            "I have some appointments to attend to, baba...." ang nanunuyong wika nito.
            "Anong 'baba'?" hindi niya naintidihan ang huling sinambit nito.
            "Baba means 'baby' in Hindi." nakangiting sambit nito sa kanya.
            "Ahhh..." iyon lang ang namutawi sa mga labi niya at muli ay nakaramdam siya ng kilig. Nawala bigla ang kaunting inis na naramdaman niya dito
            "Kinikilig ka na naman...." tukso nito habang papalabas ng pinto.
            "Yabang mo." aniya at hinabol ito ng pinong kurot sa tagiliran.
Tawa lang isinukli nito sa ginawa niya. Nang makapasok na ito sa sasakyan ay kumaway ito sa kanya tanda ng pagpapaalam.
            "Take care." pahabol na paalam ni Red na sinuklian ng matamis na ngiti ni Munjal.
Habang nagmamaneho ay nangingiti pa rin si Munjal. Masaya ang naging araw niya kahit pa nagkaroon ng kaunting aberya dahil kay Ahmed. Magaang ang loob niya kay Red sa di malamang dahilan. Wala siyang nararamdmang ibang sekswal na pakuhulugan sa damdamin niya para dito pero masaya siya pag nakikita ito. What he feels for Red is pure platonic... walang halong pagnanasa. Natatawa pa nga siya kangina dahil obvious naman ang ginagawa nitong panunukso sa kanya. Pero talagang walang friction siya na naramdaman sa kabila ng positive vibes. Sadyang malapit lang ang loob niya dito na parang elder brother siya na handang protektahan kahit kanino. And besides, he likes Red because that guy reminds him of someone in the past.... Napailing siya sa naalala. "Yael....." bulong niya.
Nang mawala sa paningin niya ang sasakyan nito ay pumasok na muli siya nang bahay. Hindi maalis ang ngiti sa kanyang mga labi habang sinasara ang pinto. Hanggang ngayon ay nakakaramdam siya ng kilig. Eh sino ba naman ang hindi e saksakan kaya ng guwapo ang herodes na yon. Ang bangu bango at parang ang sarap anuhin.... napatili siya ng mahina sa kahalayan na naisip. Bukod sa mabait at protective ay napaka maginoo. Wala kang mararamdaman na pambabastos o pangungutya sa kanya. Ramdam niya na sa kabila ng pagsubok na haharapin niya sa school dahil sa ibang members ng "The Fierce Five", ay nandito sa tabi niya si Munjal na handang lumaban para sa kanya. Naputol ang pagmumuni muni niya nang makarinig ng malalakas at sunud sunod sa katok. Sino kaya? takang tanong niya habang inilalapag sa lababo ang basong ininuman ni Munjal. Wala pang sampung minuto nang makaalis si Munjal kaya naisip niyang baka siya ito at may nakalimutang sabihin sa kanya. Lumakas ang mga katok kaya minadali niya ang pagpunta sa pinto.
            "Sandali lang." aniya at binuksan ang pinto na may ngiti sa labi.
Napalis ang ngiti sa kanyang mga labi nang mapagsino ang 'di inaasahang panauhin. Kumabog ng husto ang kanyang diddib.
            "A-ahmed....."

Ano ang kahihinatnan ng tapong ito? Abangan....

1 komento:

  1. I've read your posts and I assume it is an adaptation of a hit tv show. (Assume lang po. Heheh). But like the said show, the story is interesting. Question, when will be the next? Heheh.

    TumugonBurahin